PBBM, mga mambabatas, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Lydia de Vega

Nagpaabot ng pakikiramay at pakikidalamhati ang iba’t ibang mga mambabatas para sa pagpanaw ng Filipina sports icon na si Lydia de Vega.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nawalan ang Pilipinas ng isang ‘greath athlete.

Dapat daw ay kilalanin ang pride na ibinaon nito pauwi ng Pilipinas matapos ang mga medalyang kanyang hinakot sa SEA Games, Asian Games, at Asian Athletic Championships.

Giit ng speaker, nararapat lamang na paigtingin ng Gobyerno, maging ng pribadong sektor ang suporta sa mga Atletang Pilipino mula sa pagsabak nito sa kompetisyon – hanggang sa kanilang retirement.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga iniwang achievements ni de Vega ay dapat maging inspirasyon at motibasyon sa mga atletang Pilipino sa kani-kanilang mga larangan.

Samantala, tiniyak naman ni PBA party-list Rep. Migs Nograles na aaralin daw nila kung papaano matutulungan ang mga aktibo at retiradong olympians sa kanilang mga pangangailangan.

Nakalulungkot daw kasing isipin na sa mga huling araw ni de Vega ay humingi pa ito ng tulong pinansyal ngunit walang sapat na retirement benefits ang Gobyerno para rito.

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagluluksa ng buong Pilipinas kasunod ng pagpanaw ng sport legend at kilala bilang sprint queen na si de Vega.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na taos puso siyang nakikiramay sa naiwang pamilya ni De Vega at hangad niya ang kapayapaan para sa malayang paglalakbay ng atleta.

Kaugnay nito, pinuri at inalala ni Marcos ang angking galing ni De Vega sa larangan ng track and field na nagpasikat at nagdala aniya ng pangalan ng Pilipinas sa buong mundo.

Mababatid na si De Vega ay nag uwi ng gold medal noong 1982 at 1986 Asian Games.

Pinangunahan niya ang sprint double athletics Championship noong 1983 at 1987 at tinagurian din siya bilang nine-time Southeast Asia Games gold medalist at two-time Olympian bilang kinatawan ng Pilipinas noong 1984 sa Los Angeles at 1988 Seoul Olympics.
#


#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *