PBBM, nagbigay ng marching orders sa NTF-ELCAC

Nagbigay ng marching orders si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa NTF-ELCAC na patuloy na isulong ang kapayapaan sa buong bansa.

Ayon kay NTF-ELCAC vice chairperson at Security Adviser Eduardo Año, pangunahin sa utos ng pangulo ang pagbuwag sa natitirang guerilla fronts sa bansa.

Sa ngayon mayroon 22 guerilla fronts kung ssan 20 sa mga ito ay mahihina na at 2 naman ang aktibo at subject ng focused military operations.

Nais din ng Pangulo na mapanatli ang whole of nation approach,  ibig sabihin ay ipagpatuloy lamang ang pakikipagtulungan sa ibang pamahalaan upang hindi na mabigyan ng puwang ang mga makakaliwang grupo na makapag recruit at mapalakas ang kanilang pwersa.

Inatasan din ni Marcos ang task force at mga local government units na ituloy ang mga programa sa mga mahihirap na barangay upang maiparamdam sa mga ito na hindi sila pinababayaan ng pamahalaan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *