PBBM nagkaroon ng business dialogue kasama ang ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce

Naging abala ang ika-apat na araw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa nagpapatuloy na working visit nito sa Amerika.

Sa sidelines ng 77th Session ng United Nations General Assembly sa New York nakipagkita si Marcos sa mga miyembro ng United States (US) – Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Council at US Chamber of Commerce para sa business dialogue.

Dito muling binuksan ni Pangulong Marcos ang Philippines’ priorities una na niyang nabanggit sa kanyang talumpati sa 77th Session ng UN General Assembly (UNGA) High-Level General Debate.

Kabilang din sa mga isinulong ni Marcos ang bilateral economic at investment agenda ng Philippine Government.

Nabatid na ang US-ASEAN Business Council ay isang premier advocacy organization na nag-ooperate sa loob ng ASEAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *