PBBM, naglabas ng bagong EO na nag-aadjust sa divident rates ng DBP

Hindi na kailangan pang mag-remit ng Development Bank of the Philippines ng kanilang mga dibidendo sa Pamahalaang Nasyonal.

Ito ay makaraang lagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang Executive Order (EO) na kung saan ay ibababa na sa 0% mula sa 50% ng annual net earnings ang ire-remit ng state-owned bank na DBP sa Gobyerno.

Ibig-sabihin, epektibo ang EO na nagtatakda ng adjusted divident rate sa 2021 calendar year nito.

Ayon sa EO, alinsunod ito sa naging rekumendasyon ng Depatment of Finance para makasuporta sa capital position ng DBP.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7656, required ang lahat ng mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) na mag-remit ng 50% ng kanilang annual net earnings bilang cash, stock, o property dividends sa gobyerno.

Kung maaalala, ang DBP, at iba pang state-owned financial institutions gaya ng LandBank ay kabilang sa mga maglalagay ng pondo sa seed round, ‘o ‘yung initial allocation ng ipinapanukalang Maharlika Investment Fund.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *