PBBM nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo sa nakamit na double gold medal sa World Cup Series sa Azerbaijan

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Carlos Yulo sa nakamit nitong double gold medal victory sa 2023 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan.

Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang pagkapanalo ni Yulo bilang isang shining moment at hinimok  ang 23-taong-gulang na gymnast na patuloy na gumawa ng kasaysayan para sa bansa.

Noong  Linggo,nanguna sa Yulo sa vault final na may average na 14.933 puntos.

Kinuha rin niya ang ginto sa parallel bars event noong Sabado.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *