PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Gilas Pilipinas

Hindi pahuhuli si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpa abot ng pag bati sa men’s basketball team na Gilas Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkakasungkit ng Gilas sa makasaysayang medalyang ginto sa 19th Asian Games makalipas ang lagpas anim na dekada.

Sa X account ng Pangulo, may caption ang kanyang post na lahat daw siguro ng Pilipino ay proud na matawag na Pilipino ngayon.

Sinabi pa ng Presidente na ang hard work ng koponan ay nagpapa angat sa Filipino athleticism at sportsmanship sa global arena.

Nabatid na sa laban nila kagabi, nilampaso ng Gilas ang Jordan sa score na 70-60.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *