Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa positibong resulta ng pinakahuling OCTA Research survey kung saan naitala ang mataas na performance at trust ratings para sa administrasyong Marcos-Duterte.
Mahigit 80 percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ipinakita ng resulta ng survey na may 83% ang trust rating ng Pangulo habang 87% naman sa Pangalawang Pangulo.
Ang pinakamataas na satisfaction rating ni Marcos ay nasa Visayas sa 89% habang si Duterte ay nasa Mindanao sa 92%.//CA