PBBM, nakipagpulong sa DTI officials para talakayin ang mas murang fertilizer

Nakipagpulong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Trade Secretary Alfredo Pascual at iba pang mga opisyal ng trade department, para talakayin ang mga plano kung papaanu gagawing mas abot-kaya ang mga fertilizers para sa mga magsasaka, at tumaas ang kanilang productivity.

Ayon sa Office of the President, patuloy ang paghahanda ni Marcos para ma-secure ang suplay ng pagkain sa bansa.

Sinabi ng pangulo na maaring bumali ang gobyerno ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng government-to-government deals.

Kaugnay nito, ikinokonsidera ng punong ehekutibo ang pakikipag-usap sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa procurement ng fertilizers.

Mababatid na isinusulong rin nito ang farm-to-market road masterplan na para sa kanya ay magtitiyak sa food security sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.