PBBM nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa Thailand Day Care attack at Indonesia football stampede

Nagpaabot ng pakikikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa dalawang magkahiwalay na trahedya sa Indonesia at Thailand.

Unang naganap ang football stampede sa Indonesia na kung saan hindi baba sa 125 katao ang nasawi na binansagan ngayon bilang world’s worst stadium disaster.

Kahindik-hindik naman ang sinapit ng 37 mga nasawi, na karamihan ay mga bata, sa kamay ng isang dating pulis matapos na walang habas na mamaril sa loob ng isang child care center sa Thailand.

Sa facebook post ng Pangulo sinabi nitong kasama siyang nananalangin para sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga namatay sa dalawang nangyaring trahedya.

Kalakip sa panalangin ng Pangulo ay ang mabilis na pagkakarekober ng mga nasugatan sa dalawang insidente habang idinadalangin din umano nito ang kaluluwa ng mga namayapang indibidwal na namatay sa malagim na pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *