National

PBBM nanguna sa pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Maguindanao

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kinauukulan na isama ang gamot sa tulong na ipararating sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Maguindanao.

Sa situation briefing na dinaluhan ni Pangulong Marcos kahapon kasama ang ilang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), sinabi nito na kailangan mabigyan din ng gamot ang mga nasalanta dahil posibleng nagkakasakit na ang ilan sa kanila.

Ayon kay Marcos, makikipag-ugnayan sila sa mga malalaking drug companies para sa pagbili ng maramihang gamot kung saan mas makakamura.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na sa pagbibigay ng gamot sa mga naapektuhan ng bagyo, dapat tiyaking may riseta ng doktor bago ito ipamahagi sa mga evacuee.

Samantala, bukod sa gamot, pinapasama na rin ng Pangulo sa mga ibibigay na relief packages sa mga naapektuhan ng bagyo sa Maguindanao ay ang hygiene kits.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago