Senyales umano ng matibay na ekonomiya ang paglago ng gross domestic product o GDP ng bansa sa 6.4% sa unang kuwarter ng 2023.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin ng matibay na ekonomiya ang pagbibigay ng dagdag na trabaho at oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan.
Nilampasan na rin aniya ng bansa ang porsyentong naitala ng mga bansang Indonesia, China at Vietnam.
Bagamat mas mababa ito ito 8% na growth sa 4th quarter ng 2022; at mas mabagal din sa target na 7.1%, sinabi ni NEDA socioeconomic planning Sec. Arsenio Balisacan na ‘on track’ pa rin ang Pilipinas para sa target nitong 6.5 na paglago ng ekonomiya para sa mga taong 2024 hanggang 2028.//CA