PBBM, paparangalan ang mga atletang Pilipino na nagwagi ng medalya sa Asian Games

Papangaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagwagi ng medalya sa 19th Asian Games sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, ngayong araw.

Ang nasabing programa ay tatawaging Gabi ng Parangal at Pasasalamat para sa Bayaning Atletang Pilipino.

Makikibahagi rin ang pangulo sa paggawad ng Presidential citation at iba pang insentibo.

Matatandaang nag-uwi ang Team Philippines ng apat na ginto, dalawang pilak at 12 tansong medalya sa dalawang linggong Asian Games noong Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *