PBBM pinangunahan ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura sa Camarines Sur

NAGA CITY- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr,. ang pamamahagi ng milyong-milyong halaga ng mga kagamitang pang-agrikultura sa lalawigan ng Camarines Sur.

Matapos ang pagbubukas ng KADIWA, at dalawang magkasunod na ground breaking ceremony para sa mga housing projects diretso naman ang opisyal sa Kapitolyo sa Pili kung saan naghihintay ang mga magsasaka’t mangingisda.

Katuwang ang Department of Agriculture , ipinamahagi na ang mga bangka , mayroon ding combine harvester, walk behind transplanter at hauling truck na magagamit ng mga asusasyon ng mga magsasaka. Nasa 3, 000 na mga benipisyaryo ang dumalo sa Fuerte CamSur Sports Complex, kasama na rito ang mga nakatanggap ng livelihood grants.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang mga mangingisda’t magsasaka na makausap si Pangulong Marcos Jr. Inalam din nito kung ano pa ang mga pangangailangan ng mga nasa nasabing sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *