PBBM, pinasalamatan ang mga OFWs sa Japan sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas

Muling pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang overseas Filipino workers sa Japan sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang remittances.

Sa isinasagawa ng meet-and-greet ni Marcos sa Filipino community sa Tokyo kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pagpunta niya at ng delegasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ay para ipakilala ang bansa bilang isang bukas na ekonomiya para sa pamumuhunan.

Mas naging madali aniya  ang kanilang pagbiyahe  dahil sa magandang reputasyon ng mga OFW.

Samantala, ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano, nakapag-ambag ng humigit-kumulang USD1.49 billion remittances sa bansa noong nakaraang taon ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japan.

Mayroong mahigit 290,000 ang Pilipino na naninirahan sa Japan, kabilang na dito ang mga nagpapatakbo ng maliliit na negosyo, mga English teacher, engineers, at maybahay ng Japanese nationals.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *