PBBM pursigidong magkaroon sariling CDC at Virology Center ang Pilipinas

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mahalagang kontribusyon ng mga health researchers para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System (PNHRS) Week na idinaos sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Pangulo bagama’t wala sa mga ospital ang mga health researchers, maituturing pa rin itong mga frontliners at mga bayani dahil ang mga datus at mga kaalaman mula sa kanilang pananaliksik ang ginagamit upang malabanan ang naturang sakit.

Dagdag pa ng punong ehekutibo malaking bagay ang mga ginagawa ng mga health researchers para makamit kung anuman ang mga napagtagumpayan ng bansa pati na nang buong mundo.

Muli ding tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy umanong nakasuporta ang kanyang administrasyon sa health research community upang lalo pa itong ma-engganyo sa kanilang trabaho.

Samantala inihayag naman ng Pangulo na nakikipag-ugnayan na siya sa Kongreso upang tuluyan maisabatas ang panukalang pagtatayo ng Virology Center at magkaroon ng sariling Center for Disease Control ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.