PBBM sa pagtatanggal ng Chinese floating barriers – ‘Di tayo naghahanap ng gulo’

Nagsalita na si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa paglalagay ng mga floating barrier ng Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sa media interview sa Pangulo sa Surigao del Sur, sinabi nitong hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas nang tanggalin ang mga boya, kundi iginigiit lang at ipinagtatanggol ang maritime territory ng bansa, dahil malinaw na nasa loob pa ito ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa.

Hindi raw dapat napipigilan ang karapatan ng mga fisherman na mangisda sa mga lugar kung saan sila nangingisda ng daan-daang taon na dahil sa ilang istruktura na inilalagay ng China.

Ayon pa sa Presidente, nung araw na iniutos nito sa Philippine Coast Guard ang pagtanggal sa mga boya na inilagay ng CCG, nakahuli ang mga mangingisda ng 164 tons ng isda.

Binigyang diin pa ng Punong Ehekutibo na umiiwas nga tayo sa gulo at maiinit na salita, ngunit matibay pa rin ang pag depensa natin sa teritoryo ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *