PBBM sa US businesses, “Smart choice ang mag-invest sa Pilipinas na isang ‘rising economic star”

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga negosyante at banko sa United States na ang pag-invest sa bansa ay isang “smart investment choice,” kasabay ng pagtawag nito sa Pilipinas bilang Asia’s “fastest rising economic star.”

Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Forum, sinabi ni Marcos na gagawin ng administrasyon ang investments mula sa parehong domestic at international businesses na mas viable, lalo na ang mga nakatutok umano sa job creation at digital infrastructure.

Giit ng pangulo, may mga malalaking opurtunidad sa Pilipinas, timing, at window of opportunities para sa investments at lalo na umano sa capital-intensive investments.

Kaugnay nito, ibinunyag din ni Marcos sa US business sector na magpapatuloy ang infrastructure programs sa pamamagitan ng public-private partnership scheme, habang ang agrikultura naman umano ang magiging key sector sa pagtitiyak ng food security.

Sa naturang briefing, present ang lahat ng delegasyon ng Pilipinas, partikular na ang economic cluster, para i-brief ang mga businesses hinggil sa mga posibleng areas of investment sa bansa.

Maliban dito, naroon din ang ilang business magnates mula sa Pilipinas para kausapin ang foreign counterparts hinggil sa posibleng tie-ups at partnerships.

Leave a Reply

Your email address will not be published.