PBBM – target ang DepEd Secretary na makapagpapataas ng PH learners’ rankings

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na ang magiging susunod na Education Secretary ay ang magiging susi para mapataas na ang test scores ng Pilipinas.

Kung maalala kasi – makailang beses nang nangulelat ang Filipino learners pagdating sa pag-aaral ng PISA.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Marcos na ang hinahanap niyang magiging susunod na kalihim ay ang siyang may kakayahan na mapataas ang Pilipinas sa rankings.

Isa raw ito sa dahilan kung bakit ‘nahirapan’ siyang pumili ng kapalit ni Vice President Sara Duterte.

Maaalalang sinabi ni Marcos na hindi gano’n kadali maghanap ng bagong appointee sa DepEd lalo na’t ‘komplikado’ ang trabaho sa Kagawaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *