PBBM tinabla ang rekomendasyon na isailalim ang buong bansa sa state of calamity

Hindi sinang-ayunan ni Pangulong Bongbong Marcos ang inirekumendang pagsasailalim sa buong bansa sa state of calamity.

Matatandaaang kamakalawa ng irekumenda ni Office of Civil Defense administrator Raymundo Ferrer ang isang taong declaration ng national state of calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Paliwanag ni Ferrer, 16 mula sa 17 na mga rehyon sa bansa ang ‘high risk’ dahil sa bagyo.

Sa pagharap ni Pangulong Bongbong Marcos sa media matapos ang ginawang pagbisit sa Noveleta, Cavite – sinabi ni Marcos na hindi na ‘necessary’ pa, ‘o ‘di na niya nakikita ang pangangailangan para sa nationwide declaration nito.

Aniya, matapos ang konsultasyon sa Department of Environment and Natural Resources, hindi na raw niya nakikitang kailangan pa ng isang taong state of calamity sa buong bansa.

Aniya, hindi naman daw ‘extensive’ ang epekto nito at localized lamang ang pinsala ng bagyo.

Mayroon din aniyang mga iilang lugar sa bansa na hindi na kailangan pang isailalim sa state of calamity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *