Editors Pick

PBBM, tiniyak ang pangako na mag-iinvest sa education sector at sa mga learners

Muling iginiit ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang commitment na mag-invest sa education sector ng bansa, maging sa mga learners.

Kaugnay nito, nangako si Marcos na mag-iinvest sa mga guro, bilang alam naman umano ng lahat na kabilang ito sa pinaka-kailangan para mapaganda ang educational system.

Ayon sa pangulo, bibigyan ang mga guro ng multiple opportunities na sasagot sa kanilang personal at professional needs.

Mababatid na sa iprenesentang Basic Education Report 2023 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, naglalaman ito ng mga hamon at plano, maging mga prayuridad ng Department of Education para matugunan ang mga isyu na kinahaharap ng naturang sektor.

Sinabi ng DepEd, na ang report ay naglalaman din ng mga updates kaugnay sa nagpapatuloy na review ng K to 12 curriculum.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 hours ago