Inilunsad ng gobyerno ang Walang Gutom 2027 Food Stamp Program bilang pangunahing programa ng Marcos administration.
Ito ang inihayag ng Malacañang batay sa inilabas na Executive Order no. 44 na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development.
Base sa EO no.44, ang DSWD ang magpapatupad at mangangasiwa sa food stamp program sa tulong ng ibang mga ahensiya ng gobyerno para sa mabilis na distribusyon ng food stamp sa mga benepisyaryo ng programa.
Layon ng food stamp program na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card.
Sinimulan na ang pilot implementation ng programa sa Lungsod ng Maynila at ilang mga lugar sa probinsiya.