Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno ng Malaysia sa Pilipinas para makatulong sa patuloy na tagumpay ng peace process.

Sa joint press briefing kasunod ng bilateral meeting ni Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim kahapon, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng Malaysia sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na ang sustainable at inclusive peace sa Mindanao ay isang culmination ng pagsisikap at sinseridad ng lahat ng partido.
Samantala, tiniyak naman ni Malaysian PM Ibrahim na Makakaasa ng patuloy na suporta ang Pilipinas sa gobyerno ng Malaysia kaugnay sa isinusulong na kapayapaan sa Mindanao.//CA