PCG Albay, naka-full alert ngayon dahil sa super typhoon “Betty”

LEGAZPI CITY – Naka-full alert status ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) Albay bilang paghahanda sa posibleng pinsalang maidudulot ni super typhoon “Betty”.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay CDR Jeffrey Collado, Deputy Commander ng District Bicol sinabi nito naka-heightened alert at nakadeploy sa kani-kanilang substations ang mga tauhan.

Naka-standby sa ngayon ang mga personnels sakaling magkaroon ng pre-deployment dahil sa bagyo.

Ayon pa kay Collado, kahit napakalakas ng nasabing bagyo ay hindi naman ito direktang tatama sa Bicol Region.

Dagdag pa nito, wala pa umano itinataas na storm signal sa Bicol ang DOST PAGASA kung kaya’t wala ring suspension ng byahe sa mga pantalan sa rehiyon.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin naman ang pagbabyahe ng mga barko sa karagatan.

Paglilinaw din nito, nasa jurisdiction naman ng tanggapan ang pagdeklara ng cancellation sa byahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *