PCG Bicol, inaatasan na ang mga opisyal ng coastal barangays sa rehiyon na i-monitor ang mga nagmamay-ari ng mga sasakyang pandagat

LEGAZPI CITY – Tinatawagan na ngayon ng Philippine Coast Guard ang lahat ng mga barangay officials sa mga coastal areas na i-monitor ang mga nagmamay-ari ng mga sasakyang pandagat maging ang mga mangingisda sa kanilang lugar upang makontrol ang pagpunta nila sa laot at maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCG Lt. Commander Emman Avila, kinakailangang maging alerto ng bawat opisyal sa barangay.

Hangga’t maaari umano ay magmonitor sila sa radio, lalung-lalo na sa PAGASA, at sa Coast Guards nan aka-assign sa kanilang mga lugar.

Aniya, nakasalalay naman sa judgement o discretion ng bawat station commander kung papayagan nilang mag-operate ang mga nagmamay-ari ng malalaking sasakyang pandagat kahit pa may gale warning.

Ngunit sa oras na makita na nila umano na malalaki at malalakas na ang alon, kahit ang mga malalaking sasakyang pandagat ay pagbabawalan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *