Hihigpitan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga safety protocol para sa mga biyahe ng bangka.
Matapos ang paglubog ng MB Aya Express nitong Hulyo 27, at kumitil ng 27 na buhay.
Ayon kay PCG spokesperson Armando Balilo, magulo ang management kaya ang nakikitang solusyon ng Coast Guard ay pansamantala nilang pamunuan ang pantalan sa Binangonan.
Sa ngayon, may checkpoint na tinayo ang PCG, at kinakailangan ng mga boat captains na magpasa ng permits para kanilang masuri ang capacity ng bawat bangka.
Pinaaalalahanan din ng Coast Guard ang mga pasahero na magsuot ng life vests, at kumuha ng litrato bago tuluyang pumalaot sa dagat.