PCG mahigpit ang inspection sa pagbiyahe ng barko patungong Masbate; overloading ngayong Semana Santa, binabantayan

NAGA CITY- Mahigpit ang inspection ng Philippine Coast Guard sa pagbiyahe ng barko patungo sa Masbate mula sa Pasacao, Camarines Sur, pati bilang ng pasahero tinitinggan upang maiwasan ang overloading. 

Mula sa mga bagahe hanggang sa mismong barko upang matiyak ang kaligtasan at hindi mangyari ang trahedya ng pagkasunog ng barko sa Basilan na mahigit 20 ang nasawi.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CPO Emerson Libreja  na nitong weekend umaabot sa dalawang daan ang pasahero kaya todo bantay ang PCG at mga katuwang na ahensya, may K-9 dog din na kasama sa pag-inspection ng mga gamit.

Dalawang biyahe ang pinayagan ng Maritime Industry Authority o MARINA kung kinakailangan ngayong Semana Santa simula alas-10 ng umaga,  may sea marshal naman ang barko at kompleto ang permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *