PCG, mariing tinutuluan ang pahayag ng China na premeditated at provocative action ang insidente sa Ayungin shoal

Mariing tinutulan ng Philippine Coastguard ang pahayag ng Beijing na premeditated at provocative action ang insidente ng muntikan ng banggan ng barko ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa Ayungin shoal.

Ayon kay PCG’s spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang pagpapatrolya ng PCG sa West Philippine Sea ay routine patrol lamang na ginagawa na noon pa man.

Kaya mali aniyang sabihin na iniinis nila ang Chinese Coast Guard para sila’y magalit.

Mahigit aniyang sumusunod ang commanding officer ng barko sa mga alituntunin at regulasyon sa ginagawang pagpapatrolya.

Samantala, sinabi ni Tarriela na nananatili pa rin sa Julian Felipe reef ang mahigit isang daang Chinese maritime militia vessels, isang linggo matapos silang unang mamataan sa lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *