PCG, may suspect na sa bumangga sa Bajo de Masinloc

Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga posibleng may-ari ng vessel na nang-hit-and-run sa mga Pilipino na ikinasawi ng tatlo sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Adm. Armand Balilo, posibleng isa itong oil tanker na naka-register sa ilalim ng Marshall Islands.

Ito raw ay ‘yung Pacific Anna na pinagsususpetyahang nakabangga sa mga Pilipino.

Tinitingnan aniya ang posibilidad na hindi na-detect ng Philippine Boat ang naturang vessel dahil sa masamang panahon.

Bago ito, una nang tiniyak ng PCG at ni Pangulong Bongbong Marcos ang tulong sa mga naulila ng tatlong Pilipinong mangingisda, kabilang na ang kanilang kapitan.

Kinundena ng Senado

“We will not rest until we get to the bottom of this incident”

‘yan ang mariing pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri tungkol sa pagkamatay ng tatlong mangingisda matapos mabangga sa isang ‘foreign vessel’ ang kanilang bangkang pangisda.

Kaugnay nito, kasalukuyan ng nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) upang malaman ang tunay na nangyari sa likod ng insidente at mapanagot ang may sala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *