PCG Oriental Mindoro, iniimbestigahan ang Oil Spill sa Pola, Oriental Mindoro

Batangas City –

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard Station Oriental Mindoro, sa posibleng pinagmulan ng langis na namataan sa dalawang barangay ng Pola, Oriental Mindoro.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Capt. Airland Lapitan, ng PCG Oriental Mindoro, binanggit niya na posibleng barko na dumaan sa area ang posibleng pinagmulan ng langis.

Aniya, maaaring nag discharge ito o kaya naman ay aksidenteng natapon at intensyunal na itinapon ang langis sa area.

Samantala, sinabi rin ni Capt. Lapitan, na nakatakdang ipadala ang mga nakuhang sample sa Marine Environmental Protection Command upang maanalisa kung saan posibleng tumugma ang tumagas na langis sa mga dumaang barko na nasa registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *