Nagdeploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng response team para ma-contain ang oil spill na nadetetc sa dalawang mga bayan sa Batangas.
Ang oil spill ay namataan sa Brgy. 4 sa Calatagan at sa Brgy. Klamias sa Mabini.
Ayon kay Capt. Vic Acosta, commander ng PCG Station Batangas, na ang focus ngayon ng clean-up operation ay sa Mabini, matapos na mag-evaporate na ang spillage sa Calatagan.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma ng mga otoridad kung saan galing ang oil spill o kung ito ba ay galing sa motor tanker (MT) na Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro noong Feb. 28. //MHEL PACIA