PCG spox: ‘disheartening’ umano dahil walang tulong na natatanggap mula sa ibang actors

‘Disheartening’

Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa pagdududa ng ilan sa kanilang kakayahan na gampanan ang tungkulin nito sa WPS nang walang tulong mula sa ibang external actors.

Sa isang post sa X, sinabi ni Tarriela , buong puso siyang naninindigan kay Commandant Admiral Artemio Abu at 30,000 na tauhan ng PCG na nakatuon sa pagtupad ng kanilang patriotic duty sa WPS.

Makatitiyak aniya ang sambayanang Pilipino na ang PCG ay determinado sa kanilang pangako na pangalagaan ang ating Exclusive Economic Zone.

Hindi rin daw sila natitinag sa kanilang determinasyon na magpatrolya at protektahan ang EEZ gamit ang kanilang mga available assets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *