PCIC Bicol, may paliwanag ukol sa insurance ng mga magsasakaka

Inihayag ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Bicol na ang availability ng mga benepisyong natatanggap ng mga magsasaka sa kanilang insurance ay naaayon sa uri nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCIC Bicol OIC Ma. Janice Obias, sinabi niyang iba-iba ang mga ibinibigay na programs for commodity ng nasabing opisina katulad ng sa palay, mais, high-value crops, livestock, fisheries, at iba pa at kasama na rin ang life insurance ng mga magsasaka.

Pagdating umano sa palay, mais at high-value crops, tuwing cropping season lamang ang sakop ng insurance.

Sa mga prutas naman na namumunga na taunan din naman ay bawat taon ay maaari rin silang kumuha sa opisina.

Kapag may namatay naman sa livestock dahil sa aksidente o sa sakit tulad ng ASF ay maaari rin silang makakuha ng insurance basta’t pumunta lamang sila sa opisina.

Nilinaw naman ni Obias na ang mga insurances na ito ay may hangganan o expiration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *