BNFM BICOL – NAGSAGAWA ng seminar-workshop patungkol sa Individual and Organizational Preparedness and Awareness on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC Bicol para sa lahat ng kanilang empleyado sa buong rehiyon.
Tinalakay ng Resource Speaker na si Libon Local Government Unit (LGU) DRRM Officer Mr. Ian James S. Secillano ang Crop Insurance, DRRM Nexus at mga basic DRRM safety measures sa panahon ng bagyo, lindol, volcanic eruptions, landslides, at iba pa.
Layunin ng seminar-workshop na bigyan ng kasanayan ang mga empleyado upang mas maging produktibo, may kamalayan sa lipunan at mas maging handa pa sa mga sakuna. ### Pauline Manga, Intern