PCIC hinimok ang mga magsasaka na i-avail ang insurance sa kanilang mga pananim

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga magsasaka na siguruhing makapag- avail ng insurance sa kanilang mga pananim.

Ayon kay Arlan Laguador ang kinatawan ng ahensiya, walang bayad ang insurance dahil ito ay fully subsidize at importanteng mapasiguro ng magsasaka ang kanilang mga pananim maging ang mga alagang hayop.

Aniya, ang insurance ay proteksyon sa mga magsasaka upang may makuha ang mga ito sakaling ang kanilang mga pananim o alagang hayop ay salantain ng kalamidad at peste.

Kabilang umano sa programa ng PCIC ay ang Palay Insurance Program.

Pero para maka- avail sa programa dapat nakatala ang magsasaka sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)

Sa mga hindi pa nakakapagpatala ay maaari umanong makipag ugnayan ang magsasaka sa nakakasakop na agriculture office upang mairehistro sa RSBSA.

Sa palay ay kada cropping ang pagpapa- insured.

Sa simula pa lang ng pagtatanim ay dapat napa- insured na ng magsasaka ang kanilang pananim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *