CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga magsasaka na dapat rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) para ma- qualify sa libreng insurance ng una.
Sa isinagawang pagpupulong kasama ang Irrigators Association at mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte noong Lunes, September 11, sinabi ni Arvin Laguador ng PCIC Region V na importanteng naka- insured lalo na ang mga tanim na palay upang matulungan ng gobyerno sa panahon ng kalamidad o sa pamiminsala ng mga peste.
Ang pagpapa- insured sa palay ay kada cropping season at maaaring magtungo ang mga magsasaka sa mga nakakasakop na Municipal Agriculture Office o kaya naman ay sa mga Underwriter ng PCIC na pumupunta rin sa mga barangay.
Tinikay rin ng PCIC na lagi silang nakaalalay sa mga magsasaka.
Maliban sa palay may mga programa rin ang ahensiya sa livestock, fisheries at corn.
