PCSO, bukas sa gagawing imbestigasyon sa higit 400 winners ng Grand Lotto

Susubukan umanong kumbinsihin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga nanalo sa Grand Lotto 6/55 na kung maaari ay magpa-interview at lumabas sa publiko para mapatunayang walang anomalya sa resulta ng draw.

Matatandaang sa Saturday draw ng PCSO para sa Grand Lotto 6/55 – 433 ang maghahati-hati sa higit P236Million na premyo kung saan, divisible by 9 pa ang nabolang kombinasyon dahilan para magkaroon ng ispekulasyon ang publiko.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, maaaring magpa-interview ang mga masuwertong nanalo para mapakitang walang daya sa bolahan.

Nanindigan din ito na sadya lang talagang maraming tumaya sa nabolang kombinasyon.

Bukas din si Robles sa isinusulong na imbestigasyon ng mga Senador.

Sinuportahan din ito ni PCSO chairperson Junie Cua at sinabing welcome sa kanila ang Senate inquiry hingigl sa isyu.

Aniya, bagamat aminado silang ‘kakaiba’ ang nangyaring mahigit 400 ang nanalo – makasisigurong walang anomalya sa draw, at dumaraan ito sa auditing.

Winners, unti-unti nang dumagsa sa PCSO

Unti-unti nang nagsipag-datingan sa mga tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang masuwerteng mga nabunot para sa Grand Lotto 6/55.

Ipinakita ng PCSO ang retrato ng mga nag-claim ng kanilang premyo at ang winning ticket ng mga ito para mapatunayang walang anomalya sa mga nabolang numero dahil sadya talagang maraming tumaya sa winning combination.

Tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyon ang mate-take home ng mga jackpot winners.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *