PCSO exec Sandra Cam, sumuko; Naka-hospital arrest – police

Sumuko na si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam sa mga otoridad.

Ayon kay Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng Criminal Investigation and Detection Group, si Cam na hinatulan ng Department of Justice noong April 16 para sa kasong murder, dahil sa umano’y pagpatay kay Batuan vice mayor Charlie Yuson III noong 2019, ay kasalukuyang naka hospital arrest.

Mababatid na ang warrant of arrest laban kay Cam ay inilabas noong April 26.

Dagdag ni Ferro, may medical concern ang PCSO board member kaya hindi umano ito basta maaalis sa ospital.

Dahil dito, inihain nalang ng mga itoridad ang kanyang arrest warrant at saka na dadalhin sa Crame o kung saan custodial area na pwedeng paglagyan kay Cam.

Sinasabing si Cam ay nasa ospital sa loob na ng dalawang linggo at nakatakda para sa kanyang lumbar spine surgery sa susunod na linggo. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *