PCSO muling iginiit na illegal ang anumang Number Games sa Naga City

NAGA CITY – Muling iginiit ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na illegal ang anumang Number Games sa Lungsod ng Naga.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PCSO Camarines Sur Branch Manager Jobet Ramos.

Ayon sa nakarating na report kay Ramos, Jueteng ang nakikita ngayon sa lungsod at hindi naman talaga Small Town Lottery o STL. Ang STL sa buong lalawigan ng Camarines Sur ay legal, tanging sa lungsod ng Naga lamang nasuspende ang operasyon.

Samantala, mas papaigtingin naman ngayon nang Naga City Police Office ang monitoring sa mga koryador na nagpapataya ng illegal number games sa loob ng lungsod at kanila itong huhulihin.

Ayon naman kay City Director PCol. Nelson Pacalso, isasama nila sa kanilang information dissemination ang illegal number games upang hindi na ito tangkilikin pa ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *