PDDS, itinangging babawiin ni Go ang prexy bid

Itinanggi ng political party na kinabibilangan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga haka-hakang aatras ito mula sa presidential race.

Aminado naman si Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan president Greco Belgica, na nakakagulat para sa lahat ang mga pangyayari, pero may trabaho at obligasyon umano silang dapat gampanan.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDP-Laban president Alfonso Cusi na nagiging totoo lang si Go.

Una nito, inamin ng longtime aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili parin siya nasa “state of shock” matapos maghain ng kandidatura pagkapangulo sa pamamagitan ng substitution.

Sa gitna nito, hindi rin umano niya isinasantabi ang posibilidad na mag-withdraw mula sa race.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *