PDEA Albay, kinumpirmang dumarami na naman ang mga gumagamit ng iligal na droga sa bayan ng Guinobatan, Albay

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay na dumarami na naman ang mga kaso ng mga gumagamit ng iligal na droga sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PDEA Albay Provincial Director Noe Briguel, inihayag niyang ito ang dahilan kung bakit muli nilang tinututukan ang nasabing bayan.

Aniya, noong nakaraang taon ay ilang mga operasyon din ang kanilang ikinasa laban sa iligal na droga sa bayan at marami rin ang nahuli.

Ayon kay Briguel, hindi umano maikakasa at mahuhuli ang mga gumagamit ng droga kung hindi dahil sa tulong ng mga elected officials sa bayan at mga anti-drug abuse councils.

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay nagsagawa ang mga otoridad kabilang ang PDEA Albay ng isang search warrant operation  na ikinaaresto ng tatlong mga indibidwal kung saan ang dalawa rito’y nahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga. Dagdag pa ni Briguel, nagrant na rin sa kanila ang inquest proceedings at masasampahan na sila ng patong-patong na kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *