PDEA Bicol, inihayag na ‘manageable’ ang mga kaso ng iligal na droga sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol na mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng illegal na droga sa rehiyon ngunit masasabing manageable pa naman.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PDEA Bicol Regional Director, Edgar Jubay, sinabi niya na wala namang nahuhuling kilo-kilong droga sa rehiyon kaya nasasabing manageable.

Subalit, ang kritikal lamang umano ay mayroon pa rin talagang mga gumagamit, at iyon ang maghihikayat sa mga tulak na magbenta ng mga droga.

Dahil dito, gumagawa sila ng mga hakbang upang maaddress at matutukan ito.

Ayon kay Jubay, mayroon silang mga interbesnyon para rito at isa ang pagpapatupad ng Barangay Drug-clearing Program, kung saan kinakailangang matukoy sa isang barangay kung sino ang mga may kinalaman sa iligal na droga – user, pusher o mga nagbebenta.

Sinabi niya na dapat ay manggagaling mismo ito sa mga kinauukulan ng barangay dahil sila umano ang nakakaalam.

Kung mapatunyang user, kailangang makumbinse na sumuko sa mga otoridad upang ma-assess ang lebel ng affectation para maitalaga sa kung saang programa sila ilalagay.

Sinabi ni Jubay, kapag mild ay ilalagay sa community-based rehabilitation program, ngunit kung mataas ang lebel ay ire-refer sa facility-based rehabilitation.

Kung pusher naman, aniya na gustong magbagong-buhay ay isasailalim sa Balay Silangan.

Samantala, ayon din sa kanya, marami-rami na ring mga drug-affected individuals sa rehiyon ang kanilang natulungan sa pamamagitan ng kanilang mga interbesyon.

Sa ngayon umano ay nasa 17% ang level ng drug affectation sa buong rehiyon ng Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *