PDEA Masbate, nagkaroon ng karagdagang drug-sniffing dogs mula sa provincial gov’t

Pormal nang naiturn-over ni Masbate Gov Antonio Kho ang apat na sinanay na Narcotics Detection Dogs o mas kilala bilang K9 Dogs sa PDEA Masbate Seaport Interdiction Unit at PDEA Masbate Prov’l Office.

Ang apat na K9 dogs ay bahagi ng 10 specially trained dogs na itinurn-over sa PNP para sa bomb detection, PDRRMO para sa search and retrieval operations at PCG para sa bomb pati na rin sa drug detection.

Ang nasabing mga K9dogs ay may superior sense of smell na 10K beses na mas tumpak kaysa sa tao.

Ang mga asong nagde-detect ng droga, ay maaaring maghanap sa isang lugar nang mas mabilis kumpara sa mga tao.

Ayon kay PDEA Masbate Provl Officer, Agent Rodel Federis Abina, ang karagdagang K9 dogs ay magpapalakas ng anti-drug campaign sa island province, pagdaragdag ng preventive measures sa pag-detect ng illegal drug trafficking at transportasyon na pumapasok o dumadaan sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *