Bumisita ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 sa Zambales Police Provincial Office.
Dito ay pinag-usapan ng dalawang hanay ang mga aktibidad na gagawin para mapalakas ang pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga.
Gayundin ang mga protocol na sinusunod ng PDEA at ng PNP sa mga katulad na operasyon.
Samantala, dumalo rin sa pag-uusap ang CIDG, Intelligence Unit, Drug Enforcement unit at ang mga Municipal Police Station.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Phot Courtesy: Pdea Region 3