PDLs ng BJMP Legazpi City, gumawa ng alkansiyang bahay-kubo para sa nauusong ‘ipon challenge’

Napag-isipan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Legazpi City Jail na gumawa ng alkansiyang bahay-kubo dahil sa nauusong ipon challenge ngayong taon.

Ayon kay JO2 Mark Reyes, Community Relations Service Officer ng BJMP Legazpi, kahanga-hanga ang ginawa ng PDL na mayroon silang itinatagong talento.

Aabot sa humigit-kumulang PHP300 ang halaga ng miniature design ng nasabing produkto na sinimulang gawin ngayong taon lamang na 2023.

Sa paraang ito, maaalala ng PDLs ang kanilang  pamilya sa pamamagitan ng livelihood kung saan magkakaroon ang mga ito ng sariling kita upang ibalik ang pag-alaga sa kanila ng mga pamilya.

Panawagan din nito sa publiko na tangkilikin ang kanilang mga ginagawang produkto dahil ito lamang kanilang hanapbuhay.

Nilinaw din nito, ang kita mula sa mga nabentang alkansiya ay mapupunta mismo sa mga PDLs at makatutulong ito sa kanilang pamilya habang sila ay nasa loob ng piitan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *