PDLs sa Albay Provincial Jail, maaari pa ring makausap ang mga kamag-anak via virtual visitation

LEGAZPI CITY – Bagama’t pansamantalang suspendido ang face-to-face na pagbibisita ng mga kamag-anak sa mga inmates o PDLs sa Albay Provincial Jail, maaari pa rin nilang makausap ang mga ito via virtual visitation.

Ito ay kasunod ng pagsususpinde sa face-to-face visitation dahil sa biglaang pagtaas na naman ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ret. Col. Jose Capinpin, sinabi niya na hindi lahat ng mga inmates sa nasabing piitan ay mga taga Albay, kundi mayroon ding mula sa Camarines Sur na mayroong mataas na bilang ng mga kaso.

Aniya, kahit pa suspendido ang personal na pagbibisita tuwing araw ng Linggo, maaari pa rin silang magkaroon ng oras via online dahil mayroon namang sariling cellphone ang provincial jail na maaaring gamitin.

Ayon kay Capinpin, kinakailangan lamang na magpaschedule ang sinumang nais na mag-avail ng nasabing online visitation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *