PDP-Laban members, gusto ang term extension para kay Pangulong Duterte kung posible – Velasco

Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco, na kung posible lamang, ay nais ng mga miyembro ng ruling party na PDP-Laban na magkaroon ng term extension si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Velasco sa gitna ng PDP-Laban meeting na dinaluhan ni Pangulong Duterte noong gabi ng Martes, ngunit na-ere lamang sa state-run PTV-4 noong Miyerkules.

Ipinunto ni Velasco sa Punong Ehekutibo, na hindi lamang ito nababangit ng kanilang mga ka-miyembro ngunit sa kanilang mga puso ay nais nilang mapalawig ang termino nito.

Iginiit naman ng mambabatas na hindi na ito posible ngayong malapit na ang 2022 elections.

Pero inihayag ng House Speaker na para sa kanila sa PDP-Laban ay handa silang sumunod sa anuman iuutos sa kanila ng Punong Ehekutibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.