PDP-Laban, walang balak na kumuha ng outsider para maging standard bearer ng partido sa 2022

Nanindigan ang PDP-Laban na manggagaling mula sa kanilang partido ang magiging standard bearer nito para sa 2022 national elections.

Inihayag ito ng ilang miyembro ng PDP-Laban sa gitna ng power struggle na loob ng ruling bloc.

Sinabi ni Ron Munsayac, executive director ng PDP-Laban, hindi na nila kailangan humanap ng tao sa labas kung meron naman silang malakas na ka-miyembro.

Una nang naglabas ang PDP-Laban ng resolusyon na nanghihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa eleksyon.

Samantala, meron naman mga ulat ang lumalabas na meron umanong paksyon sa partido, na posibleng naghahanda para i-recruit si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang running mate ng ama nito.

Bagama’t nagsisilbi ang Pangulo bilang PDP-Laban chair, ay hindi naman miyembro ng partido ang presidential daughter.

Sa halip, ay bumuo si Duterte-Carpio ng Hugpong ng Pagbabago,kung saan ay tumakbo para sa national positions noong 2019 midterm elections ang ilang mga miyembro ng kanilang regional party.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *