PDRRMC-Isabela, magtutungo sa mga barangay upang magsagawa ng actual life saving strategies

Magtutungo ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga barangay na madalas nakararanas ng pagbaha upang magbahagi ng actual life saving strategies.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM kay PDRMM Officer Retired PBGen. Jimmy Rivera, target dito ang mga lugar na madalas bahain kapag tag-ulan o may bagyo at mga barangay na hindi makaka-access sa isasagawang webinar ng OCD Manila na magsisimula sa May 18,2021.

Aniya, limitado umano ang slot sa nasabing webinar kung saan tanging ang mga civil society organizations na nakaregister sa PDRRMC at mga youth cooperatives ang bibigyan nila ng slot.

Kaugnay dito ang mga nabanggit na grupo na rin umano ang magbabahagi sa kanilang barangay o nasasakupan ng mga matututunang lifesaving strategy sa isasagawang webinar.

Muli namang nanawagan si PDRRMO Rivera na bagaman bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela ay patuloy pa rin aniyang sumunod ang publiko sa mga umiiral na health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *