PDRRMO So.Cot nakapag-install ng 27 early warning signages

KORONADAL CITY- NASA 27 na mga Early Warning Signages (EWS) na ang nailagay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO South Cotabato sa ilang mga lugar sa probinsya.

Ito ay bahagi ng prevention, mitigation and preparedness program ng provincial government sa mga flashflood at landslide prone areas.

Sa kasalukuyan, naka-install na ang PDRRMO ng 5 early warning signages sa Surallah, 5 sa Sto.Niño, 2 sa Banga, 3 sa Tantangan, 4 sa Tampakan, 3 sa Tupi, at 5 sa Koronadal City.

Para sa dagdag na impormasyon at emergency hotlines makipag-ugnayan (smart) 09691915810 or (globe) 09275426430.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *