PDRRMO So.Cot patuloy na tumatanggap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette

KORONADAL CITY- NAIHATID na ng provincial government ng South Cotabato sa tulong ng Philippine Navy ang mga relief packs na kinabibilangan ng food at non-food items sa mga biktima ng bagyong Odette sa Siargao Islands.

Ang paghahatid ng ayuda at mga donasyon ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Ayon kay PDRRMO OIC Rolly Aquino na bukas pa rin ang kanilang tanggapan 24 oras sa pagtanggap ng mga donasyon ng mga mamamayan para sa mga typhoon survivors.

Maliban sa mga pagkain at tubig, inihayag ni Aquino na nangangailangan din ang mga biktima ng donasyon para sa pagpapatayo ng mga ito ng bahay katulad ng plywood, yero, at mga pako.

Ihatid lamang ang mga donations sa PDRRMO na makikita sa compound ng Provincial Engineering Office o mag-contact sa 09198292106 at 09054866285.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *